1 pang kidnapper ng Tsinoy, timbog

Isa pang kidnapper ng negosyanteng Tsinoy ang na­sakote ng mga operatiba ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) sa follow-up operation sa Novaliches, Que­zon City. Nakilala ang na­dakip na si Christopher Domla. Matatanda­ang una nang na­dakip ang isa pang suspect na si Christopher Nanson. Ayon naman sa pahayag ng bikti­mang si Ka Kuen Chua, 46, sa kanyang pagharap sa me­dia­men matapos mailigtas ng mga elemento ng PACER sa rescue operations sa Brgy. Gulod, No­va­liches, Quezon City na ma­buti na lamang at buhay pa siya.

Inilahad ni Chua na nairita umano ang mga kidnapper dahil sa hindi kayang ibigay ng kanyang pamilya ang inihihirit ng mga itong ransom. Nauna nang humingi ng P30-M ransom ang mga kid­napper sa pamilya ni Chua pero P1.5-M lamang ang naibayad ng pamilya nito kaya’t tumanggi ang mga itong pa­layain ang negosyante. Ang mga kidnapper ay hu­mi­­hirit pa ng karagdagan sa P1.5-M ran­som nang mailigtas ng mga ope­­ratiba ng PACER ang bik­tima na binantaan pa ng mga itong pa­ patayin kapag hindi nagbayad ang pamilya nito. (Joy Cantos)

Show comments