^

Metro

NCRPO umalerto sa pagtatapos ng Ramadan

-

Nakahanda ang puwer­sa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa spill over o sa posibilidad na umabot sa Metro Manila ang kagu­luhan sa Mindanao Region na kagagawan ng mga   Moro Islamic Libera­tion Front (MILF) renegades.

Ito ang inihayag kaha­pon ng bagong luklok na si NCRPO Chief Director Jefferson Soriano matapos namang isalin rito ni Di­rector Geary Barias ang kapangyarihan sa sim­pleng turnover ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan kahapon.

“Let us protect Metro Manila and raise higher Manila shield from any terror attack,” ani Soriano.

Si Barias ay natalaga naman bilang bagong PNP Directorial Staff sa National Headquarters sa Camp Crame. Ang nasabing turn-over ceremony ay pina­ngunahan ni PNP Chief Deputy Director General Jesus Verzosa.

Nauna nang ibinulgar ng PNP ang intelligence report na aatake umano muli ang mga renegades matapos ang Eid Al Fitr, o ang pagtatapos ng Rama­dan sa Oktubre 1.

Sinabi ni Soriano na mahigpit nilang babanta­yan sa Metro Manila ang po­sibleng sympathy at­tacks ng mga kaalyadong terorista ng MILF rene­gades.

Partikular namang pa­lalakasin ang pagbabantay sa mga pangunahing ins­talasyon ng gobyerno, oil depots, embahada ng mga dayuhang bansa, bisinidad ng Palasyo ng Malaca­ñang, MRT, LRT stations, terminal, daungan, pali­paran, shopping malls, simbahan at iba pang mga matataong lugar. (Joy Cantos)

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

DIRECTORIAL STAFF

EID AL FITR

GEARY BARIAS

JOY CANTOS

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with