^

Metro

Las Piñas shootout: 2 todas

-

Patay agad ang dalawang miyembro ng kilabot na holdup /robbery gang, habang kirtikal naman ang isa sa kasamahan ng mga ito matapos makipagalitan ng   putok ng baril sa pulisya nang mauwi ang isinagawang pangho­holdap ng mga una sa isang pampasaherong jeep sa hostage taking ng mga kumukuha ng lisensiya sa Land Transportation Office (LTO), kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Kinilala ang isa sa mga suspect na napatay na si Albert Cajano, 22, ng #7660 Marcos Alvarez Avenue, nabanggit na lungsod. Nakuha sa pag-iingat ng Cajano ang isang .45 kalibre ng baril na ginagamit sa pangho­holdap.

Samantala, hindi naman umabot pa ng buhay ang isa pang suspect sa Las Piñas District Hospital kung saan patuloy pang inaalam ng awtoridad ang tunay na pagkakakilanlan nito.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-10:30 ng umaga sa Alabang Zapote Road, malapit sa Real St., Las Piñas City.

Nabatid na bago ang insidente ay unang namataan ng mga awtoridad na aktong hinoholdap ng anim na mga suspect ang isang pampasaherong jeep at nang sitahin ang mga ito ay dito na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Napag-alaman na nagawa pa umanong makatakbo ng tatlong suspect at makapag-kubli sa tanggapan ng Land Trasportation Office (LTO) at ginawang hostage ang mga kumukuha ng linsensya na sina Jennifer Silanga, Jon-jon Tores at Primo Lopez.

Dahil nasukol na ng mga pulis ang mga suspect, patuloy na nakipagpalitan pa ng putok ang mga ito sa pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Tatlo naman sa mga kasamahan ng mga holdaper ang sinasabing nakatakas sakay ng isang motorsiklo. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALABANG ZAPOTE ROAD

ALBERT CAJANO

DISTRICT HOSPITAL

JENNIFER SILANGA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAND TRASPORTATION OFFICE

LAS PI

MARCOS ALVAREZ AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with