^

Metro

Ozone tragedy pinangangambahang maulit

-

Sa pangambang maulit ang trahedya sa Ozone Disco, nagbabala kahapon si Quezon City Mayor Sonny Belmonte na ipapasara ang mga night clubs sa lungsod na gumagamit ng mga bakal na pintuan sa kanilang establisimiyento. Inutusan ni Belmonte ang mga may-ari ng mga night clubs na agad na bakbakin at palitan ng tinatawag na “swing type entrance at exit doors” ang kanilang mga establisimento

Ito’y makaraang magsagawa ng inspeksyon si Dr. Victor Endriga, hepe ng City Treasurer’s Office at ma­tukla­san ang mga iligal na pinto sa mga night spots na labis na banta sa kaligtasan ng mga kliyente ng mga establisimiyento. Matatandaan na inikot ni Endriga ang mga night spots sa lungsod dahil sa hindi pagbabayad ng P500 kada araw na buwis bilang “stage/floor show fee” sa pamahalaang lungsod. Dito napansin ni Endriga ang mga bakal na pinto.

Ipinaalala ni Belmonte sa mga may-ari ng night spots ang probisyon ng QC Ordinance Bilang 615 Taon 98 na mahigpit na nag-uutos maglagay at gumamit ng tina­tawag ng ‘Swing-Type Entrance at Exit Doors’ sa mga negosyong tulad ng Cocktail Lounges, Bars, Music Lounges, Night Clubs at mga sinehan. (Angie dela Cruz)

BELMONTE

CITY TREASURER

COCKTAIL LOUNGES

DR. VICTOR ENDRIGA

ENDRIGA

EXIT DOORS

MUSIC LOUNGES

NIGHT CLUBS

ORDINANCE BILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with