Inaresto, ikinulong at pinaghandaan ng kaso ng pulisya ang negosyanteng si Amelito Castro, 38, makaraang mabaril at mapatay umano niya ang asawa niyang si Jeaneth Ramirez sa kanilang bahay sa Heroes del 96, Barangay 69, Caloocan City kahapon ng umaga.
Naganap ang insidente nang magselos ang biktima at makipagtalo sa umano’y pambababae ng suspek. (Ricky Tulipat)