Killer ng taho vendor timbog

Isang umano’y mi­yembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na sus­pek sa pag­patay sa isang tindero ng taho ang nadakip ng pulisya sa Tondo, Manila ka­hapon ng umaga pag­karaan ng anim na buwang pagtatago.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ernie Ledesma, binata, wa­lang tabaho, na tinu­rong suspek sa pama­mas­lang sa isang Giger Borromeo, 37, taho vendor at residente ng 206 Rawas Sambaya­nan, Tondo.

Nabatid na isang Arnold Subia, guwar­diya ng National Housing Authority compound, ang nagtungo sa presinto ng pulisya para isumbong na bu­malik sa pinangyarihan ng krimen si Ledesma.

Nasaksihan umano ni Subia ang pananak­sak at pagkakapatay ni Ledesma kay Bor­romeo habang nag­titinda ito ng taho sa Tondo noong Marso 14, 2008.

Nabatid na naisipan ng suspek na dumalaw sa isa nitong kaibigan nang makita siya ng testigo. (Ludy Bermudo)

Show comments