Killer ng taho vendor timbog
Isang umano’y miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang na suspek sa pagpatay sa isang tindero ng taho ang nadakip ng pulisya sa Tondo, Manila kahapon ng umaga pagkaraan ng anim na buwang pagtatago.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ernie Ledesma, binata, walang tabaho, na tinurong suspek sa pamamaslang sa isang Giger Borromeo, 37, taho vendor at residente ng 206 Rawas Sambayanan, Tondo.
Nabatid na isang Arnold Subia, guwardiya ng National Housing Authority compound, ang nagtungo sa presinto ng pulisya para isumbong na bumalik sa pinangyarihan ng krimen si Ledesma.
Nasaksihan umano ni Subia ang pananaksak at pagkakapatay ni Ledesma kay Borromeo habang nagtitinda ito ng taho sa Tondo noong Marso 14, 2008.
Nabatid na naisipan ng suspek na dumalaw sa isa nitong kaibigan nang makita siya ng testigo. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending














