Magkapitbahay todas sa 'pusoy'
Dalawa katao ang binaril at nasawi habang isa ang sugatan sa away ng ilang magkakapitbahay na nagsimula sa larong pusoy sa Sta. Ana, Manila kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Tapia, 29, walang trabaho; at Wilmar Sumcad, 31, guwardiya.
Sugatan naman sa insidente matapos habulin at bugbugin ng taumbayan ang kapatid ni Sumcad na si Gennie, 34.
Sinabi ng pulisya na naunang binaril at napatay umano ni Gennie si Tapia sa harap ng bahay nito sa naturang lugar ng hatinggabi. Pagkaraan ng ilang oras, binaril at napatay si Wilmar ng hindi pa nakikilalang suspek na hinihinalang ipinaghiganti si Tapia.
Nag-ugat umano ang awayan sa paglalaro ng pusoy ng mga suspek at biktima sa lamayan sa isang namatay nilang kapitbahay. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending