^

Metro

Iceplant sa Malabon binubusisi sa pagkalason sa may 100 pupils

-

Galing umano sa isang ice plant sa Malabon ang yelo na ginagamit ng Jose Corazon de Jesus Elementary School sa ibinentang mais con yelo at kinain ng mga bata na na-confine sa iba’t ibang Hospital sa Maynila noong Linggo.

Ito ang lumabas sa isinagawang im­bestigasyon ng Manila Division of Sani­tation, kaugnay sa naganap na pagkaka-confine sa mga tatlong ospital sa Maynila ng mahigit 100 mag-aaral sa nabanggit na paaralan.

Sa panayam kay Clemente San Gabriel, Administrative officer ng MDS, nalaman na ang LTC ice dealer na nasa Concha St.,Tondo, Maynila, ang nagda­dala ng yelo sa paaralan, pero gina­gawa ang yelo sa planta nito sa Malabon. Sinabi ni San Gabriel, kasalukuyang nagsasa­gawa n­a ng kanilang sariling im­bes­­tigas­yon ang Sanitary chief ng Ma­labon na si Boyet Gue­varra para alamin kung konta­minado ang tubig na ginagamit sa pag­gawa ng yelo.

Gayundin, nabatid kay San Gabriel, lumabas sa kanilang pagsusuri na negatibo sa “bacteria” ang tubig na na­kuha sa gripo ng paaralan, kaya hindi ma­aaring sa tubig ng eskuwelahan nakuha ang bacteria na nasuri sa dumi ng mga bata. (Doris Franche)

BOYET GUE

CLEMENTE SAN GABRIEL

CONCHA ST.

DORIS FRANCHE

JESUS ELEMENTARY SCHOOL

JOSE CORAZON

MALABON

MAYNILA

SAN GABRIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with