Bus bumangga sa poste: 7 sugatan

Sugatan ang pito katao na kinabibilangan ng dray­ber ng bus at mga pasa­hero nito makaraang bu­mangga ito sa isang poste sa ka­habaan ng EDSA parte ng Manda­luyong City kahapon ng madaling-araw.

Isinugod sa Mandalu­yong City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at iba’t ibang ba­ hagi ng katawan ang mga bik­timang sina Arthur Sacil drayber ng Super Lines Bus, at mga pasa­he­rong sina Danilo Cuario, Joselito Aguila, Dante Aguila, Mar­ce­­lina Vargas, Lourdes Peña­­­verde at Dayday Galon.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling-araw nang ma­­­­ganap ang insidente sa ka­habaan ng EDSA sakop ng Mandaluyong City ha­bang binabagtas ng bus na may plakang EVN-435 na pa­tungong Camarines Norte.

Base sa salaysay ng mga pasahero ay mabilis nilang tinatahak ang na­sabing kalsada nang bigla umanong mawala sa giya ang bus at hindi na ma­kontrol ng drayber ang manibela hanggang sa bumangga ito sa isang bakal na poste sa gilid ng kalsada. (Edwin Balasa)

Show comments