Bus bumangga sa poste: 7 sugatan
Sugatan ang pito katao na kinabibilangan ng drayber ng bus at mga pasahero nito makaraang bumangga ito sa isang poste sa kahabaan ng EDSA parte ng Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.
Isinugod sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at iba’t ibang ba hagi ng katawan ang mga biktimang sina Arthur Sacil drayber ng Super Lines Bus, at mga pasaherong sina Danilo Cuario, Joselito Aguila, Dante Aguila, Marcelina Vargas, Lourdes Peñaverde at Dayday Galon.
Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA sakop ng Mandaluyong City habang binabagtas ng bus na may plakang EVN-435 na patungong Camarines Norte.
Base sa salaysay ng mga pasahero ay mabilis nilang tinatahak ang nasabing kalsada nang bigla umanong mawala sa giya ang bus at hindi na makontrol ng drayber ang manibela hanggang sa bumangga ito sa isang bakal na poste sa gilid ng kalsada. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending