^

Metro

Protesta ng Piston trapik ang dinulot

-

Matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Welcome Rotonda Quezon City ang naging resulta nang isinagawang kilos protesta ng militanteng transport group na Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) at mga non-governmental organization sa pangunguna ng Confedaration for Unity, Recognition and Advance­ment of Government Employees (Courage) para kon­denahin ang di-umanoy palpak na mga pata­ karan ng gobyerno na nagdudulot lamang ng ibayong kahira­pan sa taumbayan.

Sinabi ni George San Mateo, Secretary general ng Piston, ang kanilang hakbang ay isang uri ng pagpaparating ng kanilang sentimiyento sa pama­halaang Arroyo na maibaba ang halaga ng petroleum products na hanggang P45 kada litro at ibasura na lamang ang 12% EVAT sa langis.

Ayon kay San Mateo, hindi sila titigil sa kanilang pagkilos hanggat hindi naipagkakaloob ng pama­halaan ang kanilang demands.

Kaugnay nito sinabi ni Ferdinand Gaite, national President ng Courage, dapat na muling pag-aralan ng gobyerno ang ipinatutupad na mga patakaran ng pamahalaan para sa kapakanan ng taumbayan at pagtanggal sa buwis sa langis, bilihin at serbisyo dahil lalo lamang itong nagpapahirap sa mama­mayang Pilipino.

Bukod dito, giniit ni Gaite na ang pagpapatigil sa pagsasapribado ng mga pag-aari at ahensya ng gobyerno ay nagdudulot lamang ng malawakang sibakan sa trabaho at ang pagbaba ng kalidad sa serbisyo publiko ng gobyerno. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BUKOD

FERDINAND GAITE

GEORGE SAN MATEO

GOVERNMENT EMPLOYEES

OPERATORS NATIONWIDE

RECOGNITION AND ADVANCE

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with