Binata 'binuriki' ng bayaw
Isang 23-anyos na binata ang napatay ng kanyang bayaw sa pamamagitan nang pagsaksak dito ng buriki ng bigas kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Tirso Mundang ng Gate 4 Area C, Parola Compound,Tondo, sanhi ng tinamong mga saksak sa dibdib. Mabilis namang tumakas ang suspect na bayaw na si Glen Seprado, 31, matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa iskinita malapit sa bahay ng magbayaw.
Nabatid na dahil sa madalas na paglalasing at panggugulo ng biktima. Kamakalawa ay muling nagwala ang biktima dahil sa lasing ay naghahamon ng away.
Dahil sa nakikitira lamang ito sa suspect at sinaway ito ng huli subalit imbes na makinig ay inangasan pa ang bayaw na ikinagalit ng huli.
Nauwi sa mainit na komprontasyon ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa pagsasaksakin ng suspect ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. (Ludy Bermudo at Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending