^

Metro

Dengue umatake sa QC school

- Nina Ludy Bermudo at Gemma Amargo-Garcia -

Pinaiimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang isang public high school sa lungsod Quezon na kung saan maraming mag-aaral dito ang nakitaan ng sinto­mas ng dengue.

Bunsod ito ng naka­rating na ulat kay Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa pag­taas umano ng bilang ng mga mag-aaral sa Ramon Mag­saysay High School sa Cubao, Que­zon City na hinihinalang nagta­taglay ng dengue ni­tong mga nakalipas na linggo.

Sinasabing marami sa mga estudyante ang isinusugod sa kli­nika ng paaralan at kinakikitaan ng dengue symptoms, kaya’t ka­agad itong inak­syunan ng kalihim.

Pinaalalahan ni Du­que ang mga guro at opis­yal ng mga pam­pub­likong paaralan na tiya­king malinis ang kapali­giran ng paara­lan upang maiwasang pamugaran ng dengue mosquitoes.

Kasabay ng inaasa­hang pagtaas ng kaso ng dengue, pinayuhan din ng kalihim ang publiko sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng may sipon, ubo at lagnat dahil sa pa­bagu-bagong pana­hon at temperatura.

BUNSOD

CUBAO

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HIGH SCHOOL

KASABAY

PINAALALAHAN

RAMON MAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with