^

Metro

10 bahay tupok dahil sa molotov bomb

-

Umaabot sa 10 kaba­hayan ang natupok ng apoy makaraang hagisan umano ng molotov bomb ng hindi pa kilalang suspek ang bubungan ng isa sa mga bahay kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Dahil sa pagkalat ng apoy sa mga kabahayan sa Irid St. Brgy. Barangka Ibaba ng nasabing lungsod ay agad namang sinus­pindi ang klase sa kalapit nitong Rizal Technological University (RTU) upang hindi na madamay ang mga estudyante.

Ayon kay Supt. Ben­jamin Ladra, hepe ng Man­daluyong Bureau of Fire and Protection, dakong alas-7:15 ng gabi nang mag­simula ang sunog sa bahay ng pamilya Inigo at dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy ay mabiis na kumalat ang apoy.

Agad namang rumes­ponde ang mga pamatay sunog at naapula ang apoy makalipas ang may 35 minuto.

Idineklarang fired out ang sunog dakong alas- 7:50 ng gabi na umabot sa ika-apat na alarma at wala namang naiulat na nasu­ga­tan sa insidente.

Sa ginawang imbesti­gasyon, bago ang sunog ay nakarinig umano ng pag­bagsak ng mga bote at pagkatapos ay ang pag­sabog sa kanilang bubong si Gina Inigo.

Dagdag pa nito na mga tatlong bote ang alam niyang bumagsak kaya mabilis ang pagkalat ng apoy sa kanilang bahay na ikinatupok nito. (Edwin Balasa)

AYON

BARANGKA IBABA

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

EDWIN BALASA

GINA INIGO

IRID ST. BRGY

MANDALUYONG CITY

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with