^

Metro

Helper nadaganan ng 40-footer van, lasog

-

Patay ang isang helper matapos itong madaganan ng tumaob na 40-footer van habang dalawa pang kasamahan nito ang nasugatan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Si Franklin Recale, 34, stay-in helper ng Bay View Marketing, Fortune Drive, Fortune Village, Brgy. Paso de Blas ng nabanggit na lungsod ay agad na namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkadurog ng bungo nito. Kasalukuyan namang gina­gamot sa Valenzuela City General Hos­pital (VCGH) ang mga kasamahan ng nasawi na sina Raffy Sabogero, 19; at Dexter Ojinar, 23, kapwa nagtamo ng mga pinsala sa kanilang katawan.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver at pahinante na sina Pastor Digiron, 48; at Anthony Malana na umano’y may kagagawan ng insidente na bigla na lamang naglaho matapos ang sakuna. Ayon sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng gabi sa loob ng com­pound ng naturang kumpanya.

Na­batid, dumating ang driver na si Digiron kasama ang pahinante nitong si Malana kung saan ay nagdala ang mga ito ng mabibigat na lumber. Sinabi pa ng mga saksi, pagbaba ng dalawa sa kanilang dalang truck ay agad na lumipat ang mga ito sa isa pang 40-footer van kung saan ili­lipat ang mga dalang torso ng mga ito. Sa pagkakataong ito, bigla na lamang nadaan sa malambot na lupa ang mina­manehong truck ni Digiron dahilan upang tumaob ito at dumagan sa tatlong biktima.

Dahil sa bigat ng nasabing truck ay agad na binawian ng buhay si Recale habang ang dalawa pa nitong kasamahan ay inoobserbahan pa rin sa VCGH saman­talang ang driver at pahinante ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTHONY MALANA

BAY VIEW MARKETING

DEXTER OJINAR

DIGIRON

FORTUNE VILLAGE

LORDETH BONILLA

PASTOR DIGIRON

RAFFY SABOGERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with