P24-M puslit na kargamento nasabat

Mahigit sa P24 milyon halaga ng mga puslit na mansanas, bawang, sibuyas at luya ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) Intelligence and Investigation Service (CISS) sa Port of Manila. Ang mga nasabing kargamento, ay nakalagay sa 14 na container van na dumating sa Maynila sa dalawang magkahiwalay na shipment, mula sa Hong Kong at China. Naka-consign ang kargamento sa Futek Enter­prises at dinala sa Maynila sakay ng Fesco Trader mula China. Sampu sa mga nasabing container vans ang naka­deklara bilang bawang subalit nang mabusisi ay naglalaman ng sibuyas. Nadiskubre din ng BOC na wala ring import permit mula sa Bureau of Plant and Industry (BPI) ng Depart­ment of Agriculture(DA) ang mga karga­mento. Dahil dito kayat ipinag-utos ni Custom Commis­sioner Napoleon Morales na rebisahin ang mga nala­labing container van na nakumpiska ng CIIS, para maisu­basta na sa publiko. (Gemma Amargo-Garcia at Doris Franche)

Show comments