^

Metro

QC police naghahanap ng 178 bagong pulis

-

Inihayag kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Sr. Supt. Magtanggol Gat­ dula na bukas ngayon ang pag­tang­gap nila ng ba­gong mga pulis kung saan pu­punan ang nakalaang 178 bakanteng puwesto.

Sinabi ni Gatdula na isinasagawa ngayon ang recruitment para sa 2nd Phase ng Police Non-Com­missioned Officer (PNCO) Attrition Program. Itoy para punan ang mga nabakan­teng posisyon na resulta ng pagreretiro, pag­kamatay, pagka­dis­miss, AWOL at resig­nas­yon ng mga dating pulis.

Tinatayang 178 pu­wes­to ang inilaan ng Na­tional Capital Region Police Of­fice (NCRPO) sa QCPD sa kabuuang 650 quota para sa Metro Ma­nila. Ang nati­tirang puwes­to ay ipapa­ma­hagi naman sa apat pang po­lice dis­tricts sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Gatdula na maaari nang magsumite ng kanilang requirements ang mga interesadong maging pulis sa District Per­sonnel Human Re­source Development Divi­sion (DPHRDD) sa Camp Tomas Karingal sa Sika­tuna Vilage, Quezon City.

Upang maging kuwali­pikado sa ranggong Police Officer 1, kinakailangang ma­kapasa ang isang apli­kante sa mga probisyon ng National Police Commis­sion (Napolcom). Kaila­ngan rin na nasa edad 21-30-anyos ang aplikante, may taas na 5’4 talam­pakan sa lalaki at 5’2’’ sa babae. (Danilo Garcia)

ATTRITION PROGRAM

CAMP TOMAS KARINGAL

CAPITAL REGION POLICE OF

DANILO GARCIA

DEVELOPMENT DIVI

DISTRICT PER

GATDULA

HUMAN RE

MAGTANGGOL GAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with