^

Metro

Tanod lasog sa sinitang naka-motorsiklo

-

Patay ang isang barangay tanod makaraang makaladkad ito ng ilang metro ng motorsiklo ng hindi pa kilalang suspek na kanyang sinita kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Namatay habang nilalapa­tan ng lunas sa Amang Rodri­guez Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at kata­wan ang biktimang si Dennis Rogel, 35, tanod ng Brgy. Con­cepcion II ng lungsod na ito.

Samantala patuloy namang nagsasagawa ng follow-up ope­ration ang pulisya para sa pag­ka­kakilanlan ng suspek na hindi man lang nakuha ang plaka ng sinasakyang motorsiklo.

Sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-10:40 ng gabi sa kahabaan ng SSS Village ng nasabing barangay nang sitahin ng biktima ang sus­pek dahil sa kahina hinala ang kilos nito.

Umalma umano ang suspek dahilan upang humantong ang usapan sa mainitang pagtatalo kaya tinangkang arestuhin ito ng biktima subalit agad na pina­takbo ng una ang kanyang motorsiklo.

Hindi naman bumitiw sa mo­torsiklo si Rogel dahilan upang lalong pabilisin ng suspek ang pagpapatakbo sa kanyang mo­torsiklo dahilan upang makalad­kad ito ng may ilang metro ang layo at ng makabitiw sa motor­siklo ay nagpagulong gulong pa sa sementadong kalsada.

Sinubukan pang maitakbo sa nasabing pagamutan ang bik­tima ng mga nagmalasakit na taumbayan subalit nasawi din ito ilang oras dahil sa tina­mong pinsala sa ulo. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRI

BRGY

DENNIS ROGEL

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

MEDICAL CENTER

NAMATAY

PATAY

ROGEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with