^

Metro

Balikbayan tinodas sa loob ng kotse

-

Isang malalimang imbesti­gas­yon ang isinasagawa ng Manila Police District (MPD) sa kaso ng pagnanakaw at pag­patay sa isang 43-anyos na ba­lik­bayang negosyante na natag­puang patay sa loob ng kan­yang kotse sa Sta. Mesa, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Pinaniniwalaang pinagna­kawan ng malaking halaga at diamond ring ang biktima.

Nakilala ang biktima na si Froilina Fang, pansamantalang nanunuluyan sa Acacia Bldg., Hamspted Garden, V. Mapa Extn., Sta. Mesa, Manila na may mga saksak sa katawan.

Blangko pa ang awtoridad sa pagkilanlan sa suspect o mga suspect. Sa ulat ni Det Edmundo Cabal ng Manila Po­lice District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-11:20 ng gabi nang madiskubre ang bik­tima sa loob ng kanyang Toyota Revo na may plakang XCY- 516 habang nakaparada sa kanto ng Dupil At Aliw-iw Sts., Morning Side Subd., V. Mapa, Sta. Mesa, Manila.

Nabatid na isang Sonny Di­ne­ros, security guard ng sub­division, ang nakapansin sa nakahimpil na kotse kaya ina­lam niya kung bakit nakaparada ito doon at dito nabatid ang wala nang buhay na biktima. Tadtad ng saksak sa kata­wan ang biktima nang matagpuan.

Nakuha sa kotse nito ang resibo na nagpapalit ito ng Japanese Yen sa isang money changer. Nabatid sa imbesti­gasyon na unang nakitang ka­sama ng biktima ang isang family friend na si Joseph “Sonny” Sapelino na dumalaw sa may sakit nitong ina sa Lourdes Hospital sa Sta. Mesa.

Bandang ala-1:30 ng hapon nang mag-iwan ng pera ang biktima kay Sapelino upang ibi­gay umano sa kanyang kapatid dahil pupunta muna ito sa isang money changer sa Kalentong upang magpapalit ng Yen.

Ayon sa kapatid na si Michael Fang, nawawala ang diamond ring at 90,000 Japa­nese Yen ng biktima. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbesti­gasyon sa kaso. (Ludy Bermudo)

ACACIA BLDG

BIKTIMA

DET EDMUNDO CABAL

DUPIL AT ALIW

FROILINA FANG

HAMSPTED GARDEN

HOMICIDE SECTION

JAPANESE YEN

LOURDES HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with