Oil firm kinalampag

Sumugod kahapon ng umaga ang mga miyembro ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operaytors Nationwide sa tanggapan ng Pili­pinas Shell sa Makati City upang iparating nila ang kanilang pagtutol sa pa­unti-unting rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay PISTON spokesperson George San Mateo, kulang ang paunti-unting rollback o pagbabawas sa presyo ng langis tulad ng diesel. Hinihiling nila ang isang “one time bigtime roll­back”.

Dagdag pa ni San Mateo, hindi maramda­man ang hulug-hulugang pagbabawas sa presyo ng petrolyo dahil hindi naman bumababa ang presyo ng pangunahing bilihin kaya parang bale­wala rin umano ito sa drayber.

Sinabi naman ng isang kinatawan ng Shell na malabo ang “one time bigtime rollback dahil kailangan pang mabawi ng kumpanya ang lugi nito sa mga nakaraang sunud-sunod na buwang pagtaas ng presyo nito. (Edwin Balasa)

Show comments