Sunog sa St. Luke's at Veterans
Isang bahagi ng kinukumpuning gusali ng St. Luke’s Medical Center sa Fort Bonifacio, Taguig City ang muntik maabo sa isang sunog dito kahapon ng umaga.
Nagsimula ang sunog sa cooling system ng gusali sa roof deck nito pero naapula ito dakong alas-12:05 ng tanghali.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi bagaman tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng sunog.
Kasabay nito, umaabot sa mahigit P20 milyon halaga ng ari-arian ang natupok makaraang sumiklab ang sunog sa may kantina ng Veteran’s Memorial Medical Center sa North Avenue, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, dakong 2:30 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy mula sa kantina ng kung saan gumapang ito sa kalapit na mga kuwarto at opisina ng gusali.
Posible umanong “faulty wiring” ang sanhi ng sunog dahil wala namang LPG tank na sumabog sa may kantina. (Rose Tamayo-Tesoro at Danilo Garcia)
- Latest
- Trending