Demolisyon pinalagan

Handa si Manila City Building Official Chief Engineer­ Melvin Balagot na harapin at magpa­liwanag kay Manila 3rd District Councilor Joel Chua hinggil sa demolis­yon sa mga kabahayan sa Bili­bid Viejo sa Quiapo May­nila noong Biyernes at Sabado.

Ayon kay Balagot, ang may-ari ng ginibang ka­bahayan ang siyang nag-utos ng demolisyon dahil pribado ang kinon­trata nitong demolition team kung saan  daang pamilya din ang naapek­tuhan.

Nilinaw din niya na ang naging papel lamang ng PBO ay magbigay ng demolition order sa may-ari ng gigibaing gusali at at ang may-ari na ang bahalang mag-abiso sa mga nakatira dito.

Ipinaliwanag pa ni Balagot na May 6, 2005 pa lamang ay naimbes­tigahan na ang kundis­yon ng mga apartment at ito ay napatunayang “not fit for habitation” at kaila­ngan nang gibain. (Doris Franche)

Show comments