^

Metro

Ginang binoga

-

Isang misis ang binaril at napatay ng kinaka­sama niyang lalake ma­ka­raang bungangaan umano niya ito sa kani­lang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Dina Acuyong, 23, residente ng 664 Protacio St., ng nabanggit na lung­sod. Agad namang tuma­kas ang suspek na si Carlo Rico Tiedra, 22, live-in partner ng biktima.

Ayon sa ilang saksi, ban­dang alas-3:00 nang ma­daling-araw nang ma­karinig ng ingay mula sa bahay ng mag-live-in at hininalang inumaga na naman ng uwi ang sus­pek.

Maaari umanong nagseselos ang biktima at hinihinalang may ibang babae ang suspek hang­gang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo at mabaril ng huli ang una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

CARLO RICO TIEDRA

DINA ACUYONG

ISANG

KINILALA

MAAARI

PASAY CITY

PROTACIO ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with