^

Metro

Holdapan dadami

-

Muling nagbabala kahapon ang Quezon City Police­ District sa publiko na mag-ingat dahil inaasahang darami ang mga holdapan at na­ka­wan habang papa­lapit ang Kapaskuhan.

Sinabi ni QCPD Director Senior Superintendent Magtanggol Gatdula na kasalukuyang naka­tutok ang kanilang pu­wersa sa pagbabantay sa mga itinuturing nilang “hotspot” na mga lugar na pabo­ritong atakihin o paglung­gaan ng mga kriminal.

Nakatakda rin ang pagkakabit ng QCPD ng 15 (closed circuirt television) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na idineklarang SB Zone (Discipline Zone) habang nakikipag-ugnayan rin sila sa mga negos­yante ng Timog-Morato Business Area at E. Rodri­guez Avenue para mag­la­gay ang mga ito ng sarili nilang CCTV came­ra maging sa mga kalsa­da upang matu­lungan sila sa paglaban sa krimi­nalidad.

Sinabi ni Gatdula na nakapagtala sila ngayon ng sunud-sunod na insidente ng panloloob sa mga kaba­hayan. Wala pa namang opisyal na datos ang QCPD sa pag­taas ng antas ng krimen ngunit inaasahan nila na mababatid ito sa paglu­lunsad nila ng “E-Blotter”, isang computer program database na layong ma­batid ang bilang ng kri­men at kung saan pina­ka­madalas maga­nap ito.

Sa ulat ng QCPD-Station 7 (Cubao), hinoldap ng tatlong armadong lalaki ang JMK bus kung saan nagawang limasin ng mga ito ang mahaha­lagang gamit ng mga pasahero.

Nabatid na nagdek­lara ng holdap ang mga suspek sa may tapat ng Corinthian Garden sa EDSA at bumaba pagsa­pit sa Cubao. Agad na­mang iniulat ng mga pa­sahero ang pangho­hol­dap ngunit nabigo ang pulisya na masakote ang mga suspek. (Danilo Garcia)

COMMONWEALTH AVENUE

CORINTHIAN GARDEN

CUBAO

DANILO GARCIA

DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT MAGTANGGOL GATDULA

DISCIPLINE ZONE

QUEZON CITY POLICE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with