^

Metro

Kuta ng holdaper sinalakay: 4 timbog

- Danilo Garcia -

Apat na kilabot na holdaper ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District ma­tapos na salakayin ang kanilang pinagtataguang kuta ­sa Caloocan City.

Iprinisinta kahapon ni P/Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, hepe ng QCPD, ang mga sus­pek na sina Fernando Cagoco, 36; Bernardino Manipol, 32; Angelito Pangan, 42; at Tirso Picardal, 37, pawang mga na­nu­nuluyan sa Road 6, GSIS Village, Brgy. Talipapa, Ca­loocan City.

Ayon sa ulat, positibong kini­lala ang mga suspek ng ka­nilang mga nabiktima sa gina­wang panghoholdap sa CATGAS sa Visayas Avenue, Quezon City nitong nakaraang Hunyo 30 kung saan natangay ang P1.8 milyon salapi.

Ang mga ito rin ang respon­sable sa panloloob sa RC Cola sa Novaliches, Quezon City nitong Abril 14 at pagpasok sa isang sanglaan sa Forest Hill Subdivision sa Forest Hill, ng naturang lungsod.

Matapos na matukoy ang pinagtataguang bahay base sa intelligence gathering, agad na sinalakay ng pulisya ang na­tu­rang lungga sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng mga korte sa Malolos, Bulacan at Mabalacat, Pampanga.

Narekober ng pulisya sa naturang pagsalakay ang isang gray Toyota Corolla (TTF-330), isang maroon na Honda Civic (UHS-858); acetylege equip­ments, mga identification card ng Department of Trans­por­tation and Communications (DOTC) na nakaisyu sa isang Fernando Altizo; tatlong itim na t-shirt na may tatak na PNP at tatlong sombrero ng PNP.

Sinabi ni Gatdula na nag­papanggap umano ang mga sus­pek na mga pulis tuwing mang­hoholdap kung saan pina­la­labas ng mga ito na lehitimong police operations ang kanilang ginagawa.

Dito nagbabala si Gat­dula sa publiko lalo na sa mga ne­gos­yante at mga secu­rity guard ng mga establisi­mento na mag-ingat sa natu­rang modus-ope­randi kung saan dapat na tiyakin muna na mga tauhan talaga ang mga ito ng PNP bago pa­pasukin sa kanilang negosyo.

ANGELITO PANGAN

BERNARDINO MANIPOL

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF TRANS

FERNANDO ALTIZO

FERNANDO CAGOCO

FOREST HILL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with