2 vintage bomb nahukay

Lumantad sa mga naghuhukay ng poso negro ang dala­wang vintage bomb na may kapasidad pa umanong sumabog kung natamaan ng matigas na bagay, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng umaga nang ma­hukay ang kalawangin na dalawang vintage bomb sa may #2223 Varona St., Tondo, Maynila.

Ayon kay Alfredo Tibay, kasalukuyan silang naghuhukay   ng panibagong poso negro nang makapa ang nasabing bomba kaya agad nilang ipinaalam sa pulisya. Bagamat nababalot na ng kalawang ang mga bomba, maaari pa umano itong sumabog at masuwerteng hindi ito napalo ng matigas na bagay. Ang dalawang bomba ay nasa pag-iingat na ng EOD bago tuluyang i-turn over sa PNP-Camp Crame. (Ludy Bermudo)

Show comments