^

Metro

Ret. Police patay sa motorcycle gang

-

Patay agad ang isang reti­radong pulis makaraang tam­bangan at pagbabarilin ng pinaghihinalaang miyembro ng motorcycle gang matapos na maihatid ang kanyang anak sa paaralan kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Romeo Villaflor na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nabatid na kasalukuyang lulan ng motorsiklo at pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktima matapos na ma­ihatid ang anak sa eskuwela nang harangin ito ng tatlong lalaking sakay din ng isang motorsiklo sa kanto ng New Guinea at Scotland Sts., Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco, dakong alas-6:25 ng umaga.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya, na kaagad umanong pinaputukan ng mga suspect matapos na harangin ang biktima. Nang duguang tu­mimbu­wang ang biktima ay agad umanong kinuha ng mga sus­pect sa bulsa nito ang kan­yang wallet na may lamang hindi mabatid na halaga ng salapi pati na ang dalang baril nito bago pa nagmamadaling tumakas ang mga huli sakay ng kanilang motorsiklo na hin­di na nakuhanan pa ng plaka.

Sa pahayag ng ilang saksi sa pulisya, unang inihatid uma­no ng biktima sa eskuwe­lahan sa Better Living Subd. ang anak na si Rommel Andrew at pauwi na ang bik­tima sa kanilang tirahan sa Cairo St., Purok VI sa Brgy. Moonwalk nang harangin ng mga salarin.

Ilang mga nakasaksi na­man sa pangyayari ang nag­dala sa biktima sa South Super­highway Hospital su­balit patay na ito nang idating sa pagamutan sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng ba­ril sa katawan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BETTER LIVING SUBD

BETTER LIVING SUBDIVISION

BRGY

CAIRO ST.

DON BOSCO

NEW GUINEA

ROMEO VILLAFLOR

ROMMEL ANDREW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with