^

Metro

Klase sa ilang lugar sa MM sinuspinde

-

Sinuspindi kahapon ng De­partment of Education (DepEd) ang pang hapong klase sa elementarya at high school sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa walang tigil na buhos ng ulan na naging sanhi ng pag­baha sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay DepEd National Capital Region (NCR) Director Teresita Domalanta, dakong ala-1:30 ng hapon ng suspin­dihin ang pasok sa elemen­tary at high school level sa Las Piñas habang dakong alas-2 ng hapon ng magdeklara na rin ang Taguig at Pateros na wala na rin silang klase sa nasabing level.

Sa Quezon City ay sinus­pindi rin ang klase sa pang hapon klase sa Mines Ele­men­tary School dahil sa pag­baha bunsod na walang tigil na pag­buhos ng ulan.

Pitong eskwelahan na­man sa Maynila and nag­deklarang wala ng pasok sa pang hapon na kinabibila­ngan ng Manila Science High School, Araullo High School, Roxas High School at Villamor High School.

Sa elementary naman ay wala na ring pasok sa Ta­ñong, Longos at Tonsuya Elemen­tary school.

Ayon pa kay Domalanta, kapag ganitong walang storm signal subalit malakas ang ulan ay nasa mga pamunuan na ng eskwelahan at local na pamu­nuan ng lungsod kung dapat ba nilang suspindihin ang kanilang mga klase upang hindi na malagay sa panganib ang mga estud­yante. (Edwin Balasa)

ARAULLO HIGH SCHOOL

AYON

DIRECTOR TERESITA DOMALANTA

EDWIN BALASA

LAS PI

MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL

METRO MANILA

MINES ELE

SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with