^

Metro

Opisina ng R&E taxi sinalakay ng 20 armado

- Ricky ­Tulipat -

Sa ika-apat na pagka­ka­taon, muli na namang uma­take ang malaking grupo ng sindikato na nan­loloob sa mga establisi­mento suot ang uniporme ng PNP-Special Weapon and Tactics (SWAT) ma­tapos na pasukin ang kompanya ng R & E taxi sa lungsod ng Ca­loocan, ka­hapon ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Supt. William Macavinta, aabot sa 20 kalalakihang armado ng ma­tataas na kalibre ng ar­mas tulad ng kalibre .45 at M-16 armalite rifles ang uma­no’y nangholdap sa na­sabing kompanya na mata­tagpuan sa Brgy. Baesa, sa lungsod.

Sinasabing ala-1:30 ng madaling-araw nang pa­sukin ng grupo ang kom­panya matapos na saba­yan ng mga ito ang ilang taxi driver na papasok sa loob ng com­pound. Sakay ang mga sus­pect sa isang Toyota Revo at Mitsubishi Adventure at agad na dinis­armahan ang mga naka­talagang guwardiya rito.

“Malalakas talaga ang puwersa ng grupo at alam nilang may malaking hala­gang makukuha sa kom­panya dahil, bukod kasi sa 15 sus­pek na nasa loob ng com­pound, may 5 pang back up ang mga ito sa labas na nag­ba­bantay sa posibleng pag­dating ng pulis,” ayon kay Macavinta.

Ayon sa ulat, nang ma­pasok ang compound ay pinalabas ng mga suspek ang ilang tauhan dito, bago tinu­ngo ang cashier’s office at tinangay ang salaping ingreso ng mga driver.

Sinabi ni Macavinta, hindi umano nalalaman ng sindi­kato ang mismong vault ng kompanya, kung kaya pinag­diskitahan na lamang ng mga ito ang perang kinita ng mga driver dito. Tumagal ng halos 15 minuto, bago tuluyang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang mga gate away vehicle.

Dahil may mga naka­lagay na closed circuit television (CCTV) cameras sa com­pound, ayon sa opisyal ito ang pagba­batayan nila sa imbes­tigasyon upang matukoy ang pagkakaki­lanlan ng mga suspect.

Sisiyasatin din ng opis­yal kung ang grupo din ang nasa likod ng pagpasok kamakailan sa NFA warehouse sa Valen­zuela City; Zesto/RC plant sa Quezon City; at Mayer Steel Corporation sa Valenzuela City na tulad nito ay nakasuot din ng uniporme ng SWAT.

vuukle comment

AYON

MACAVINTA

MAYER STEEL CORPORATION

MITSUBISHI ADVENTURE

QUEZON CITY

SENIOR SUPT

SHY

SPECIAL WEAPON AND TACTICS

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with