^

Metro

Metro Police alerto sa 9/11

-

Kasalukuyan nang nasa full alert status ang National Capital Region Police Office bilang paghahanda sa ika­pitong taong paggunita bukas sa tinatawag na 9/11 attack sa United States.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Geary Barias na mananatili ang kanilang full alert status dahil sa paggunita sa pananalakay ng teroristang Al Qaeda sa U.S. noong Set­yembre 11, 2001.

Sinabi ni Barias na baga­man wala naman silang nata­tanggap na banta ng pag-atake ng teroristang grupo tulad ng Jemaah Islamiyah na kaalyado ng Al Qaeda at lokal na mga Muslim extremists sa bansa ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ang US Em­bassy sa Roxas Blvd., Manila; Light Rail Transit; Metro Rail Transit; mga bus terminals, pa­liparan, simbahan, shopping malls, oil depot at iba pang mga matataong lugar.

Pinalakas rin ang police visibility patrol sa bisinidad ng palasyo ng Malacañang at iba pang mga pangunahing insta­lasyon ng gobyerno. Ang JI ang Southeast Asian terror networks na na­ita­tag ni US public enemy #1 Osama bin Laden, pinuno ng Al Qaeda terror network na sinasabing nasa likod ng malagim na Setyem­bre 11 terror attacks sa World Trade Center at Penta­gon District sa US. (Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro)

AL QAEDA

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with