^

Metro

Dalaga pinatay, ibinaon sa burak ng nobyo

- Rose Tamayo-Tesoro -

Nagwakas ang pagha­hanap ng mga kaanak ng isang dalagang estudyante na unang iniulat na nawa­wala matapos matagpuan kamakalawa ng gabi ang kalansay nito na nakahalo sa burak na umano’y may pitong buwan nang pinatay ng kanyang kasintahan sa Valenzuela City.

Ang biktima ay kinilala sa pamamagitan ng kan­yang suot na damit bago ito nawala sa pangalang Hyrene Iballa, 21, ng   Pag-Asa St., Patubig, Ma­rilao, Bulacan.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Valenzuela-PNP ang sus­pect at kasintahan ng biktima na si Fernando Ma­nango, Jr., 21, grass cutter at residente naman ng Faustino St., Brgy. Puntu­rin, Valenzuela City maka­ra­ang aminin nito ang pamamaslang sa biktima.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Armando Delima at PO2 Exequiel Sangco, kapwa may hawak ng kaso, da­kong alas-6 ng gabi nang matagpuan ang kalansay ng biktima sa estero na malapit sa bahay ng suspect.

Ayon sa salaysay na ina ng biktima na si Beatriz, unang nawala ang kan­yang anak noong Enero 2, 2008 nang magpaalam ito na bibili lamang ng damit kasama ang suspect na kasintahan nito.

Mula noon ay hindi na umano bumalik pa ang kanyang anak, hanggang kamakalawa ay makatang­gap si Beatriz ng text mes­sage mula sa isang nag­ngangalang Cassandra na ang biktima ay pinatay ng kasintahan nito bago itina­pon sa estero.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awto­ridad si Beatriz kung saan mabilis na pinuntahan ang lugar na sinabi sa text message at matapos ang ilang minutong pagha­hanap ay nakita ang suot na damit at kalansay ng biktima na nakahalo sa estero.

Dahil dito, agad na­mang inaresto ng mga awtoridad ang suspect at sa himpilan ng pulisya ay inamin nito na pinatay niya sa sakal ang biktima ngunit hindi naman nito sinabi kung ano ang dahilan kung bakit niya ginawa ito.

Habang isinusulat na­man ang balitang ito ay ina­alam ng pulisya sa suspect kung ginahasa muna nito ang nobya bago pinaslang.

ARMANDO DELIMA

BEATRIZ

BIKTIMA

EXEQUIEL SANGCO

FAUSTINO ST.

FERNANDO MA

HYRENE IBALLA

NITO

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with