^

Metro

Mister inatado ng kapitbahay

- Rose Tamayo-Tesoro -

Lumuwa ang mga mata, nabasagan ng bungo at nag­kagutay-gutay ang katawan ng isang mister nang pagtu­lungang atadu­hin ng saksak at pagpa­paluin pa ng tubo ng tatlo nitong kapitbahay ka­hapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Roderick Gutierrez, 34, resi­dente ng 107 E. Flores St., Ma­libay ng nabanggit na lung­sod. Pinaghahanap ng pulisya habang isinu­sulat ito ang nakatakas na mga suspek na sina Michael de Gusman, Jessie de Guzman, at alyas Patrick na pawang residente sa naturang lugar. Bago na­ganap ang insidente, unang nagsisisi­gaw sa harap ng compound sa naturang lugar, hinahanap at pilit na pinala­labas ng mga suspek ang isang John Rex Barenas, 20, na kanilang nakaalitan.

Dahil sa nililikhang ingay, lumabas ang biktima sabay sita sa mga suspek. Dala naman umano ng tindi ng galit, ang biktima ang pinag­ba­lingan ng mga suspek at pinagpapalo ito ng tubo sa katawan.

Nagawa pang maka­takbo ng biktima sa loob ng com­pound, pero sinundan pa siya ng mga suspek at walang habas na pinag­papalo ng tubo sa ulo at parang baboy na inatado ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tumigil lamang ang mga suspek nang halos magka­gutay-gutay ang katawan ng biktima hanggang malagu­tan ito ng hininga. 

vuukle comment

DAHIL

DALA

FLORES ST.

GUSMAN

GUZMAN

JOHN REX BARENAS

PASAY CITY

RODERICK GUTIERREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with