^

Metro

Glorietta Mall muling nabalot ng tensyon

-

Muling pinagharian ng tensiyon ang Glo­ rietta Mall makaraang umusok ang bahagi ng gusali dahilan upang mag-panic at mag-unahang magpa­nakbu­han palabas ang mga mall shoppers sa pa­ngambang may kinala­man sa bomba ang na­sabing insidente, ka­makalawa ng hapon sa Makati City.

Sa panayam kay P/S Supt. Gilbert Cruz, hepe ng Makati City Police, pasado alas-2 ng hapon kahapon nang magsimu­lang umu­sok ang bahagi ng gusali ng mall.

Umaabot naman sa halos 20 minutos ang pag­buga ng nasabing usok sa gusali bago pa man ito na­apula kung saan dahil sa nasabing insidente ay muling bina­lot ng tensiyon ang mga shoppers rito na nag-unahang magpa­nakbu­han palabas ng mall.

Agad namang ru­mes­ponde ang mga kagawad ng Makati City Police sa lugar at nang siyasatin ay sanhi la­mang ng nag-overheat na cooling sys­tem ng mall ang naging ugat ng usok na unang inakala ng mamimili na may kinalaman naman sa anumang uri ng bomba.

Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

vuukle comment

FONT DEFINITIONS

MAKATI CITY POLICE

META

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with