Task Force Castillejos binuo

Ipinag-utos na ni Philip­pine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon ang pagbuo ng Task Force Castillejos upang resolbahin sa lalong madaling panahon ang kaso.

Ang direktiba ay ipina­la­bas ni Razon upang higit pang maging malawak ang imbestigasyon sa kasong ito. Ang Task Force Cas­tillejos ay pamumunuan ni PNP-Criminal Investiga­tion and Detection Group (PNP-CIDG) Director Chief Supt. Raul Castañeda.

Isa sa tinututukan nila ngayon ang anggulong pulitika na maaring motibo sa krimen dahil may kina­kaharap umanong kaso ang gobernador sa ka­nilang lalawigan na isi­nampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Gayunman nilinaw ni Barias na sa ngayon wala pa silang tinutukoy na suspek sa naganap na pananambang.

Samantalang nag­talaga na rin ang PNP ng security personnel para seguridad ni Castillejos habang ito ay nasa pa­gamutan.

Show comments