^

Metro

Mister na pumatay sa misis, timbog

-

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang 37-anyos na mister na bumaril at nakapatay sa kanyang misis noong Linggo ng hapon matapos na magtangkang magpakamatay sa pama­magitan ng pag-inom ng zonrox sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng MPD-Homicide section ang suspek na si Noel Peralta, janitor ng Lope de Vega building at residente ng #968 Kusang- Loob St., Sta. Crruz, Maynila.

Si Noel ay suspek sa pagpatay sa kan­yang asawang si Virgina Peralta, 35.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay isina­­gawa dakong alas-7 ng umaga sa harapan ng Petron gasoline station sa kanto ng Rizal Ave. at Pampanga St., Sta. Cruz, Maynila. Ang pagkakaaresto sa sus­pek ay bunsod sa naiwanang cell­phone nito sa crime scene.

Ayon sa suspek, matapos ang dala­wang araw na nagpa­labuy-laboy ay nag-text pa sa mga imbestigador na nagsabing susuko na siya sa kundisyong makita ang burol ng asawa. 

Gayunman, nagbago umano ang kan­yang isip at gusto nito ay wakasan na rin ang kanyang buhay kaya uminom ito ng 42 tablets na Augmentin (antibiotic) at isang bote ng zonrox sa mismong kanto ng Rizal Ave., at Pampanga St., subalit na­abutan siya doon ng mga mga tauhan ng pulisya. Matatandaan na binaril at napatay ng suspect ang kanyang asawa dakong ala-1:30 ng hapon noong Linggo matapos na nag-away.

Ayon sa suspek, wala umano itong balak barilin ang asawa kundi plano lamang itong takutin habang nakatutok sa kanyang ulo ang baril subalit nang tabigin umano ng kanyang asawa ay tuluyan itong pumutok. (Ludy Bermudo)

MAYNILA

META

MICROSOFT WORD

MSO

PAMPANGA ST.

RIZAL AVE

SHY

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with