^

Metro

Batanes Gov. sugatan sa ambush

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Sugatan sa ambush si Batanes Governor Teles­foro Castillejos, habang nasa kritikal namang kon­disyon ang driver nito ma­karaang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga ‘hired killers’ ang behikulo ng opis­yal kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) Di­rector Geary Barias, puli­tika ang nangingibabaw na anggulo sa motibo ng ambush habang lahat ng anggulo ay masusi nilang sinisiyasat.

Aminado si Barias na ma­init ang labanan sa pulitika sa Batanes kaya isa ito sa anggulong ka­nilang iniimbestigahan sa kasong ito.

Bandang alas-3:25 ng madaling-araw, ayon kay Barias ng maganap ang insidente may 30 metro ang layo sa Merville exit sa South Superhighway sa hangganan ng lungsod ng Pasay at Parañaque City habang patungo si Cas­tillejos sa aiport upang umuwi sa Batanes ka­ugnay ng nakatakda nitong pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal ng ka­nilang lalawigan.

Si Castillejos ay nag­tamo ng tama ng bala ng cal. 9mm sa batok at ka­liwang balikat habang ang driver naman nitong si Alberto Fatimo ay tatlong tama ng bala dalawa sa ulo, isa rito ay naglagos sa ka­liwang bahagi ng kan­yang mukha at isa sa balikat.

Nakaligtas naman ang anak ni Castillejos na si Dominic, 20, na nasa huli­hang bahagi ng Mitsubishi Pajero na may plakang SPY-395 ng gobernador nang ratratin ng mga arma­dong kalalakihan na lulan ng SUV na hindi nakuha ang plaka.

Sinabi ni Barias na si Dominic ang nagmaneho ng sasakyan kung saan na­unang isinugod si Go­vernor at driver nito sa Pa­rañaque Doctors Hospital pero inilipat rin ang mga ito sa Medical City sa Pasig City dakong alas-7:30 ng umaga.

Ang gobernador ayon kay Barias ay idineklara nang nasa ‘stable na kon­disyon’ o maayos na kala­gayan bagaman patuloy pa ring nakikipaglaban kay kamatayan ang driver nito.

vuukle comment

ALBERTO FATIMO

BATANES

META

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with