^

Metro

MM todo bantay sa Ramadan

-

Mas pinaigting ng Na­tional Capital Region Po­lice Office (NCRPO) ang pag­ba­bantay at seguridad sa lahat ng Muslim com­mu­nities sa iba’t ibang lung­sod sa Metro Manila ka­sa­bay ng pagsimula ka­ha­pon ng Ramadan ng pa­­na­nampalatayang Islam.

Ayon sa NCRPO, ­na binabantayan ngayon ang Maharlika Village ng Ta­guig, Quiapo, Bagong Si­lang ng Caloocan at Para­ñaque City kung saan ma­tatagpuan ang maraming residenteng Muslim.

Nabatid kay NCRPO chief Dir. Gen. Geary Barias na simula kahapon ay nagpakalat ang kan­yang tanggapan ng karag­dagang pwersa sa mga Muslim areas, kasabay ng paglulunsad ng 24-oras na pagpapatrulya ng pinag­sanib na pwesa ng civilian volunteers at mga miyem­bro ng kapulisan.

Nais lamang umanong matiyak ng NCRPO na walang makakalusot na pananabotahe at anu­mang kaguluhan sa gitna ng pag-aayuno o pagni­nilay ng mga Muslim resi­dents sa Kalakhang May­nila sa panahon ng Ramadan.

Nangako naman ang pulisya na kanilang iga­galang ang panahon ng pag-aayuno ng mga Mus­lim at iwasang magkaroon ng “collateral damage” sa nangyayaring kaguluhan sa Mindanao bagama’t tuloy pa rin ang opensiba ng militar sa apektadong lugar doon sanhi ng mga pag-atake ng ilang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang Ramadan ay nag­simula kahapon at mag­­tatapos ito sa Set­yem­bre 29 kung saan ito ang panahon ng kanilang pag­ninilay, taimtim na pagda­rasal at paghingi ng kapa­ta­waran sa kanilang mga nagawang kasala­nan. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANG RAMADAN

BAGONG SI

CAPITAL REGION PO

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

STYLE DEFINITIONS

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with