^

Metro

Utak sa SuperFerry, Valentine’s day bombing, nasa Pinas na

-

Idineport na ng pamahalaan ng Bahrain pabalik sa Pilipinas ang isang pinaghihinalaang notoryus na terorista mula sa grupo ng Rajah Solaiman Movement (RSM) na may ugnayan sa Jemaah Islamiyah (JI) terror network na itinurong nasa likod ng SuperFerry 14 bombing noong 2004 at Valen­tine’s day bombing sa bansa noong 2005.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, ini­ha­ rap sa mediamen ng mga opisyal sa pangunguna nina Executive Director Fernando Mesa ng Anti-Terrorism Council, Bureau of Immigration and De­portation (BID) Commis­sioner Marcelino Libanan, PNP Di­rec­torate for Intelligence Director Dante Ferrer, PNP Intelligence Chief P/Chief Supt. Rolando Añonuevo ang nasa­koteng suspect.

Kinilala ito na si Ruben “Omar “ Pestano Lavilla Jr., na ma­­­tagal ng wanted sa batas. Sinabi ni Libanan na si Lavilla ay ipinadeport ng pama­halan ng Bahrain at dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-10:50 nitong Sabado ng umaga kung saan idineretso ito sa Camp Crame.

Ayon naman kay Mesa, isang malaking dagok sa grupo ng RSM ang pagsasailalim sa proseso ng batas ang pagka­dakip kay Lavilla.

Base sa rekord, sinabi ng mga opisyal na si Lavilla ay nasakote ng mga awtoridad sa Bahrain noong Hulyo 24 ng taong ito matapos na madis­kubreng kabilang ito sa mga wanted na terorista sa ilalim ng Sanctions List ng United Na­tions Security Council (UNSC) 1267 Committee na kilala rin bilang Al-Qaeda at Taliban Sanctions Committee.

Sinabi ng mga opisyal na si Lavilla ay nahaharap sa mga kasong rebelyon sa Makati City Regional Trial Court (RTC) sa Makati City at multiple frustrated murder sa Cotabato City Re­gional Trial Court (RTC).

Sa tala ng mga opisyal, na­tukoy na si Lavilla ang utak sa SuperFerry 14 bombing no­ong Pebrero 27, 2004 na kumitil ng buhay ng maraming katao at ang magkakasunod na Valen­tine’s day bombing sa mga lung­sod ng Makati, General Santos City at Davao City noon namang Pebrero 14, 2005 na ikinamatay naman ng 8 katao, habang ma­ rami pa ang nasugatan.

Ayon sa mga opisyal, na­sakote sa Bahrain si Lavilla matapos na magtangka itong mag-loan doon kung saan sa isi­nagawang background checking ay nadiskubreng ito ang isa sa mga pinaghahanap na teroristang kasapi ng RSM

Samantalang nagawa naman nitong makapuslit sa bansa matapos nitong saman­talahin na wala pang naipapa­labas na warrant of arrest ang korte kaugnay ng kasong krimi­nal na kanyang kinakaharap.

Kasalukuyan nakapiit sa PNP-Custodial Center ang na­sabing terorista. (Joy Cantos)

BAHRAIN

CAMP CRAME

LAVILLA

MICROSOFT WORD

MSO

SHY

TIMES NEW ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with