^

Metro

Basurero kinatay ng kapwa basurero

-

Tinodas ng kabaro ang isang 31-anyos na ba­surero nang nakawan umano ang una ng kartong pinulot sa basura sa  Tondo, Maynila,  kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jimmy Badid­les, binata, ng Block 1 Baseco Com­pound, Port Area, Maynila bunga ng tinamong saksak sa hindi pa nakilalang suspect na isa ring basurero.

Ayon sa ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insi­dente sa harapan ng Az­carraga Textile Bldg. sa 561 C.M. Recto,Tondo.

Nabatid na ala-1 ng madaling-araw nang mag­simulang mamulot ang bik­tima sa Divisoria ng mga karton at plastic upang ibenta at bandang alas-4 ng madaling-araw ay na­pansin na lamang umano itong tumatakbo at  duguan hanggang sa bumagsak sa tindi ng tama ng saksak sa katawan.

Sinabi ng imbestigador na nagalit ang suspect nang nakawin ng biktima ang nakolektang karton kaya ito sinaksak. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BASECO COM

DIVISORIA

JIMMY BADID

LUDY BERMUDO

MAYNILA

PORT AREA

SHY

TEXTILE BLDG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with