^

Metro

Billboards pinababaklas dahil kay  ‘Lawin’

-

Habang paparating sa Kalakhang Maynila ang bag­yong si “Lawin” ay binalaan naman kahapon ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga advertising companies o mga kompanya na nag­mamay-ari ng mga higanteng billboards na naka­kabit sa gilid ng mga pangunahing lansangan ng metropolis.

Ayon sa MMDA, mas mainam na ngayon pa lang ay baklasin na umano  ng mga advertising companies ang kanilang mga higanteng billboards  bago pa man ang paghagupit ng nasabing bagyo upang hindi na makapa-minsala pa ng buhay at mga ari-arian.

Ayon kay MMDA chairman Bayani Fernando na hindi na dapat pang antayin ng mga nagmamay-ari ng na­sabing billboards na may masawing buhay o masisira munang ari-arian bago kumilos ang mga ito gayung batid naman umano ng mga ito kung kailan at gaano kalakas ang mga bagyo na inaasahang mananalasa sa Kalak­hang Maynila. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BAYANI FERNANDO

HABANG

KALAK

KALAKHANG MAYNILA

LAWIN

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with