Sama ng panahon, namataan sa Bicol
Isang active low-pressure ang namataan sa Bicol region na maaaring maging ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ganap na alas-11 ng umaga, namataan ang sama ng panahon sa layong 670 kilometro (km) ng silangan ng Bicol Region na siyang magdadala ng mga pag-uulan sa buong Central at Southern Luzon gayundin sa Eastern Visayas.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng Pag Asa ang mga nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat dahil sa patuloy na pag-uulan na mararanasan dito at banta sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa naturang mga lugar. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending