^

Metro

Lason ng maid sobrang bagsik

- Nestor Etolle -

Tila nahihirapan ang mga doktor na magamot ang mga biktima ng maid na lumalason sa pinapa­sukan nitong mga amo.  Hindi kasi matukoy kung anong klaseng lason ang ginamit ng suspek na hanggang sa isinusulat ito ay tumatalab pa rin ang bagsik sa mga biktima.

Kaugnay nito, isa pang nabiktimang amo ang lu­mitaw at kinilala ang sus­pek habang na­ka­kulong ito sa selda ng Manila Police District.

Nagtungo sa MPD si Edwin Tan ng Brgy. Mahar­lika, Quezon City nang mabalitaan niya ang pag­ka­kadakip sa suspek na si Anamie Liv­rando. Sinama­han siya ng mga tauhan ng Que­zon City Police District.

“Ano’ng ginawa mo sa anak ko? Naghihirap pa rin siya sa ospital dahil sa lasong pinainom mo sa kanya!” galit na usisa ni Tan kay Livrando nang ma­ka­harap niya ito.

Sinabi ni Tan sa pu­lisya na si Livrando ay nag­pa­kilala sa kanya sa panga­lang Edna nang ireko­menda ito ng ka­tulong ng isa niyang ka­ibigan noong Hulyo 24.

Sa unang araw ng pag­tatrabaho ni Liv­ran­do, tatlong lalaking em­ple­yado ni Tan ang na­nakit ang tiyan. Kasunod nito, na­nakit ang tiyan ng walong taong gulang niyang anak na si Elaine makaraanng uminom ng gatas. Hini­hinala ni Tan na nilagyan ni Livrando ng lason ang pagkain ng kanyang mga tauhan at ang gatas ng kanyang anak.

Sinabi ni Tan na hindi siya interesadong ma­bawi ang mga ninakaw sa kanya ni Livrando.  Nais lang niyang malaman kung anong klaseng lason ang ginamit nito para matukoy ng mga doktor kung ano ang mas mainam na gamot para sa kanyang anak.

“Maawa ka sa anak ko. Kung makikita mo lang ang paghihirap na nararamda­man niya hanggang nga­yon sa kanyang sakit na dulot ng lason,” pagsu­sumamo ni Tan sa suspek.

Iginiit naman ni Livran­do na hindi niya alam kung anong klaseng lason ang iniabot sa kanya ng sindi­katong pinamu­munuan ni Rosita Manabat para sa mga biktima.

Naunang pinabula­anan ni Manabat ang aku­sasyon makaraang ma­dakip si Livrando  sa bahay nito sa Project 7, Quezon City. Si Manabat ay re­sidente ng Macabebe, Pampanga.

Isa pa sa among na­bik­tima ng maid na si Alexan­der Pua. 10 araw nang na­ka­ratay sa ospital ang isa niyang anak makara­ang malason sa pagkaing ini­hain ng suspek.

Ayon sa mga doktor,  isang uri ng pestisidyo ang inihalo sa pagkain ng biktima.

ANAMIE LIV

LIVRANDO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with