Dibdib ng dalaga dinakma ng Dutch

Arestado ang isang Dutch national  na nandakma sa dibdib ng isang 23-anyos na dalaga habang nagla­lakad ito sa Mabini st. Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inihahanda ang kasong Acts of Lasciviousness ng Manila Police District (MPD)-Station 5 laban sa suspek na si Lamert Van Dar Vliet, 58, at pansamantalang nanu­nuluyan sa Paco Park Hotel, sa San Marcelino St., Paco, Maynila.

Itinago naman ang biktima sa pangalang April,  residente ng Magdalena, Laguna.

Sa ulat ni P/Supt. Rogelio Rosales, hepe ng MPD-station 5, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Mabini.

Sinabi ni April na naglalakad siya upang sumakay sa isang jeep nang bigla siyang lapitan ng matandang dayuhan at pilit siyang sinasabayan sa  paglalakad hanggang sa magpakilala sa kanya subalit sinopla niya umano ito  na hindi siya interesado dahil nagmamadali siyang pauwi. Mabilis siyang naglakad upang iwasan ang Dutch national kaya nairita umano ito at hinablot siya sa balikat sabay dakma sa  kanyang dibdib.

Nagtangka pa ang suspek na yakapin siya subalit nagpumiglas siya hanggang sa nakawala at nagtatakbo. Kasunod naman umano ito ng mga  malalaswang salita na isinisigaw ng dayuhan habang siya ay tumatakbo hanggang sa makapagsumbong siya sa pulisya. (Ludy Bermudo)

Show comments