Dibdib ng dalaga dinakma ng Dutch
Arestado ang isang Dutch national na nandakma sa dibdib ng isang 23-anyos na dalaga habang naglalakad ito sa Mabini st. Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Inihahanda ang kasong Acts of Lasciviousness ng Manila Police District (MPD)-Station 5 laban sa suspek na si Lamert Van Dar Vliet, 58, at pansamantalang nanunuluyan sa Paco Park Hotel,
Itinago naman ang biktima sa pangalang April, residente ng
Sa ulat ni P/Supt. Rogelio Rosales, hepe ng MPD-station 5, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Mabini.
Sinabi ni April na naglalakad siya upang sumakay sa isang jeep nang bigla siyang lapitan ng matandang dayuhan at pilit siyang sinasabayan sa paglalakad hanggang sa magpakilala sa kanya subalit sinopla niya umano ito na hindi siya interesado dahil nagmamadali siyang pauwi. Mabilis siyang naglakad upang iwasan ang Dutch national kaya nairita umano ito at hinablot siya sa balikat sabay dakma sa kanyang dibdib.
Nagtangka pa ang suspek na yakapin siya subalit nagpumiglas siya hanggang sa nakawala at nagtatakbo. Kasunod naman umano ito ng mga malalaswang salita na isinisigaw ng dayuhan habang siya ay tumatakbo hanggang sa makapagsumbong siya sa pulisya. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending