^

Metro

Dalagita ginapang ng amain

-

Kalaboso ang isang 31-anyos na amain matapos nitong pagnasaan at hi­puan sa maseselang ba­hagi ng katawan ang 13- anyos na dalagitang anak ng kanyang kinakasama kamakalawa ng madaling-araw sa Pasay City.

Nanginginig pa sa takot nang magsumbong sa pu­lisya ang biktimang iti­nago sa pangalang “Janna”, estudyante ng nasabing lungsod, dahil sa ginawa sa kanya ng suspek na si Pastor Lim ng Pio del Pilar, Makati City.

Natutulog si Janna sa kanyang kuwarto nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang ka­liwang kamay kaya napa­dilat siya at nagulat nang makita niyang katabi na niya ang suspek sa kan­yang hinihigaan. Bukod dito, ginamit ng suspek ang kamay ng da­lagita sa paghimas ng kanyang ari.

Agad pumalag ang bik­tima pero inilapit pa lalo ng suspek ang katawan nito sa katawan ng dalagita sabay yapos pa nito at big­lang hinawakan ang kan­yang dibdib.

Bagaman takot na takot ang biktima sa ginagawa sa kanya ng amain, maka­raan ang ilang saglit ay kaswal na itong tuma­likod at umalis papunta sa tabi ng kanyang ina at niyakap din ito ng suspek.

Dito na tumayo sa pag­ka­kahiga ang biktima at agad na lumabas ng bahay upang magsumbong sa mga awtoridad. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BAGAMAN

BUKOD

DITO

JANNA

PASTOR LIM

ROSE TAMAYO TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with