Mariing kinondena ng militanteng grupo ng mga mangingisda, ang Pamalakaya ang pagkakasali ni MMDA Chairman Bayani Fernando bilang isa sa walong contestant sa second season ng Celebrity duets ng GMA 7.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) hindi bagay sa mga taong katulad ni Fernando na mistulang hitler ang sasali sa ganitong uri ng kumpetisyon.
“It is not only done in bad taste.This modern day Hitler and Rated A puppet of the ruling political syndicate in Malacañang joined the songing reality show for celebrities in the name of his cruel intentions and obsession for power,” ayon kay Fernando Hicap, national chairman ng Pamalakaya.
Anila ang pagsali ni Fernando sa naturang reality show ay isang insulto lamang para sa collective intelligence ng mga Pinoy at sa libu-libong urban poor at mga vendors sa Metro Manila na pinagmamalupitan ng mga brutal na kamay ni Fernando at kanyang principal benefactor sa Malakanyang.
Ginagamit lamang umano ni Fernando ang GMA-7 celebrity duets para maipapakitang may puso din ito at sa pamamagitan nito ay nawawala ang imahe nito bilang isang diktador na resulta ng araw araw na paggiba sa mga bahay ng mga mahihirap na mamamayan at mga kaawa-awang vendors na ito lamang ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng kanilang mga pamilya. (Angie dela Cruz)