^

Metro

BoC officials kinasuhan ng mga negosyante

-

Sasampahan ng kasong malversation of public funds at perjury ng isang grupo ng mga negos­yanteng naka-base sa Makati City si Bu­reau of Customs (BoC) Commissioner  Napoleon Morales at iba pang opisyal ng Aduana na nag­bulsa ng malaking halaga ng salapi bilang pabuya sa kanilang sarili matapos lumagpas umano sa target ang kanilang koleksiyon sa buwis noong taong 2006.

Ayon kay Jess Arranza, pangulo ng Fede­ration of Philippine Industries (FPI), nagsinunga­ling umano  si Morales nang ihayag nito na kinati­gan ng Korte Suprema ang pagkakaloob nila ng pabuya sa kanilang sarili matapos lumagpas ng mahigit P2 bilyong piso ang kanilang koleksiyon sa buwis noong taong 2006.

Ipinaliwanag ni Arranza na ang tanging kinatigan ng Mataas na Hukuman ay ang legali­dad ng umiiral na Lateral Attrition Law na nagbi­bigay ng pabuya sa mga opisyal na nagtrabaho ng husto upang lagpasan ang target collection.

Sinabi ni Arranza na malinaw na mali at tiwali ang pamamaraang ginawa ni Morales nang bigyan nila ng pabuya ang kanyang sarili matapos lumagpas ng P2.695 bilyong piso ang kanilang koleksiyon noong taong 2006.

Sa datus na iniladlad ni Arranza, kinolekta umano ni Morales ng advance o higit na maaga ang P2 bilyong buwis sa mga kompanya ng langis noong taong 2006 sa halip na singilin nila ito sa susunod pang taon kaya’t lumagpas ang kanilang target collection.

Bukod dito, nagdeklara umano si Morales ng malaking koleksiyon sa buwis sa pag-aangkat ng bigas ng National Food Authority (NFA), gayung “tax free” o wala naman umanong dapat bayarang buwis ang naturang ahensiya. Sinabi ni Arranza na kinailangan nilang umaksiyon sa naturang katiwaliang nagaganap sa BoC dahil nagbigay na ng pahayag si Morales na muli nilang bibigyan ng pabuya ang kanilang sarili dahil lumagpas na muli ang kanilang koleksiyon sa itinakdang target.

Nangangamba ang mga negosyante na baka maging halimbawa na sa iba pang mga opisyal ng pamahalaan na nakatalaga sa pagkolekta ng buwis ang tiwaling pamamaraan ni Morales at gawing gatasan na lamang ang umiiral na batas. (Lordeth  Bonilla)

ARRANZA

JESS ARRANZA

KANILANG

KORTE SUPREMA

LATERAL ATTRITION LAW

MAKATI CITY

MORALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with