^

Metro

30-anyos tinodas dahil sa ‘onsehan’

-

Malaki  ang hinala ng awtoridad na onsehan sa partihan ang naging dahi­lan sa pagkakapaslang sa isang sinasabing notoryus na holdaper na binaril ng malapitan sa ulo ng dala­wang armadong kalalaki­han, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ang biktimang si Glen Labadan 30, ng 2 Conchita St., M. dela Cruz St. ay patay na nang ida­ting sa Pasay City General Hos­pital bunga ng isang tama ng bala sa ulo.

Batay sa imbestigas­yon, pasado alas-2 ng hapon nang mangyari ang nasabing krimen habang ang biktima ay naglalakad sa M. dela Cruz St.  Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki na pawang nakasa­kay sa isang kulay pulang XR Enduro motorcycle na walang plaka ang lumapit at bumati sa naglalakad na biktima.

Habang nakatapat sa biktima, isa sa dalawang sus­pect ang bumunot ng baril at pinaputukan nang malapitan ang biktima sa noo na naging dahilan ng kamatayan nito.

Napag-alaman naman sa imbestigasyon na ang biktima ay may mga ka­song iligal possession of deadly weapons noong December 9, 1999.  Na­sang­kot din ang bik­tima sa kasong frustrated homi­cide, theft, robbery at tres­pass to dwelling na na­ka­sampa sa iba’t ibang kaso. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

CONCHITA ST.

CRUZ ST

CRUZ ST.

GLEN LABADAN

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOS

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with