^

Metro

Bagyong Karen, palabas na ng bansa

-

Palabas na ng bansa ang bagyong Karen pa­tungo sa direksiyon ng Southern China.

Ayon sa Philippine Atmo­spheric Geo­phy­sical and Astro­no­mical Services Admi­nistra­tion (Pagasa), ganap na alas-10 ng uma­ga kaha­pon si Karen ay nama­taan sa layong 350 kilo­metro hi­la­gang kanlu­ran ng Laoag City taglay ang pinaka­malakas na ha­nging 140 kilo­metro bawat oras ma­lapit sa gitna at may pag­bugso hanggang 170 kilo­metro bawat oras.

Si Karen ay kumikilos sa kan­luran hilagang kan­lur­an sa bilis na 17 kilo­metro bawat oras at ina­asa­hang nasa layong 690 kilometro hila­gang kan­luran ng Laoag City o 90 kilometro silangan ng Hong Kong.

Nananatili namang nasa ilalim ng babala ng bagyo bilang 1 ang Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Gayun­man, patuloy na makara­ra­nas ng pag-uulan sa buong Central at Northern Luzon laluna ang kanlurang bahagi nito dahil sa epekto ng south­­west monsoon sa natu­rang bagyo. (Angie dela Cruz)

HONG KONG

ILOCOS NORTE

LAOAG CITY

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE ATMO

PLACE

SERVICES ADMI

SHY

SI KAREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with